Jump to content

Less than 1 year SAP - Warranty Expired!


Recommended Posts

Guest matanglawin
Posted

Expired na ba ang warranty ng SAP n'yo...

Expired na ba ang warranty ng SAP n'yo kahit wala pang isang taon mula nang ito'y iyong makuha mula sa Smart? :shock:

Ito ang natuklasan ko at ng aking kabiyak nang kami ay magtungo sa

Brightpoint kamakailan lamang. Nais sana ng aking misis na ipaayos ang kanyang SAP sa bisa ng warranty nito. Laking gulat ng aking asawa nang kanyang malaman mula sa customer service representative na expired na ang warranty ng kanyang cellular phone (series 303). Policy na raw ito dahil ito ang sabi ng HTC at alam na ito ng Smart. :shock:

Paanong nangyari iyon samantalang buwan ng hulyo nang makuha ni misis ang kanyang telepono galing sa Smart? Ngayon ay abril pa lamang kaya dapat ay hindi pa expired ang warranty ng telepono. :shock:

Kailan pa nangyari na ang warranty ng anumang produkto ay iSPAMse sa "date of manufacture"/serial number, sa halip na sa petsa ng pagkakabili? Bakit HTC ang magdidikta ng "policy" hinggil sa warranty...hindi ba't batas ng Pilipinas ang nananaig sa bansang ito at hindi ang policy ng HTC? :shock:

Heto ang batas...basahin n'yong mabuti:

Chap3,Rule5,S1,Dao2,S.1993 Warranty rights can be enforced by presentment of a claim. The purchaser needs only to present to the seller either the warranty card or the official receipt along with the product to be serviced or returned to the immediate seller.Art. 68 ( RA 7394 "Consumer Act of the Philippines" )

Siguradong makakarating ito sa DTI... :evil:

Guest BrAGoL
Posted

hindi dapat yan! nangyari na rin sa akin yan dati nung naka-nokia pa ako... ang pagkakasabi sa nokia care, wala na daw warranty dahil binase nila sa manufacturing date... iginiit ko na wag nila dun ibase! dapat simulan nila sa petsa kung kelan napasa-iyo ang unit... tinawagan ko ang globe na kakilala ng misis ko at siya kong pinakausap sa nokia care...

sa madali't salita, ibinase na nga lang din nila yung warranty sa petsa ng pagkakakuha ko ng unit sa globe...

wala na dapat talaga akong kinalaman kung papaano ang usapan ng globe at ng kanilang distributor...

Posted from my SmartPhone!

Guest kalinte
Posted

@lawin

obligastion ng smart na pangalagaan ang iyung kapakanan sang ayun sa batas, kaya bumalik ka sa smart wireless kung saan mo nakuha nag iyung telepono at humingi ka ng activation certificate ng naturajng telepono. ito ay dapat na magkatugma sa petsa ng pagkapirma mo ng kasunduan sa smart plan.

marami ang nagkakamali sa maling akala.

Guest matanglawin
Posted

@kalinte

ang smart mismo ang pumunta sa aming tanggapan upang i-promo ang kanilang mga telepono...at marami talagang kumuha. kaya naniniwala ako na hindi lamang ang misis ko ang nakakuha ng series 303 (expired na raw ang warranty noon pang 04-04-2004) na SAP.

nang pumunta kami sa BP, hindi lang resibo ang dala namin kundi pati ang certification. gayunman, iginiit ng CSR na policy na raw iyon ng HTC...at alam daw ito ng smart.

HINDI PA TAPOS ANG LABAN!

Posted from my (soon to be sim-locked again) SmartPhone!

Guest BrAGoL
Posted

@lawin

ipagpalagay na nga na yun na ang bagong policy ng HTC, hindi ba dapat na bigyan din nila ng instruksiyon ang smart na ipagbigay-alam sa ating mga konsyumer ang anunsiyo upang nang sa ganun ay magawan natin ng paraan na dalhin agad sa BP ang ating mga unit upang maihabol sa warranty...

pero wala naman silang ginawang ganung inisyatibo!

Posted from my SmartPhone!

Guest matanglawin
Posted

@bragol

hindi talaga pwede. kahit pa policy yon ng HTC at kahit kahit pa ipagbigay alam nila 'yon sa smart...protektado ang mga mamimili sa ilalim ng RA 7394 "Consumer Act of the Philippines."

ang policy ng isang kumpanya ay hindi maaaring mangiSPAMw sa umiiral na batas sa ating bansa.

Guest BrAGoL
Posted

kung ganon, kailangang gawin mo na nga ang mga nararapat na hakbang... iapgbigay-alan mo lang din kung kakailanganin mo ang aming tulong...

Posted from my SmartPhone!

Guest kalinte
Posted

@matanglawin

magpahinahon ka. ipairal ang malamig na ulo. siguro naman nakausap mo na ang bisor o manager ng smart wireless? huwag ipaubaya ang iyung hinanaing sa mga karaniwang empleyado ng smart. kung gayun, magbigay ka ng liham sa naturang wireless center ukol sa kanilang walang aksyon o kulang na aksun sa iyung problema. (incident report) parimahin (pareceive) ito sa manager. dalhin mo sa DTI ang mga documento para mapagalitan ang mga hinayupak.

Guest matanglawin
Posted

@kalinte

just did that this morning. spoke to a contact in smart & got instructions on how to deal with the problem. the gentleman totally disagreed w/ the BP csr & said that if BP insists on implementing said "policy," he will elevate the issue to the smart marketing heads.

@pzee

patas tayo lumaban...daan muna sa proseso. kung matigas talaga ang ulo...saka gamitin ang "powers." (he-he-he)

Posted from my SmartPhone!

Guest gpcarreon (MVP)
Posted

@matanglawin

go dude! ipagpatuloy mo yang laban.

tama, dumaan muna sa tamang proseso saka gumamit ng 'powers' pag magmatigas ang bp.

oh my gudness! naSPAMsa kaya to ng mga bp lurkers ng modaco? kilala nyo ba si matanglawin? haay. sa lahat ba naman ng bibiktimahin nyo, cya pa.

kung alin-sunod sana sa batas ng Republika ng Pilipinas ang 'policy' nyo, sana masaya lahat di ba?

Posted from my SmartPhone!

Guest kalinte
Posted

Kung walang gagawing ang mga hinayupak.................. ilabas ang wallet!

bumili ng globe sim. he he

Guest rbginandoy
Posted

Tumpak! Dapat na tayong mga konsyumers nila ay bigyan nila ng magandang serbisyo, dahil iyon ay kasama sa ating binabayaran. Hindi lamang ang paggamit ng airtime ang ating binabayaran, kundi pati na rin ang serbisyong ibinibigay at ibibigay pa nila. They are a service utility company right?

Guest pyke
Posted

matanglawin,

hanggang july pa ba kamo ang iyong warranty?pwes, sa akin hanggang may 30 na lang at ipapagawa ko ang joystick ko bago mag may 30.subukan nilang ihirit sa akin ang sinabi nila sa iyo at hihilamusan ko sila ng sampal!hindi pwede ang mga panggugulang nila!in-upgrade nila to 1.7 ang sap ko ng wala sa lugar at matagal na ako nagngingitngit sa kanila.subukan lang nila!

Guest kapitan jackal
Posted

@pyke- pards, pag kailangan mo ng extrang palad, andito lang mga kamay ko, pwedeng pwede mo hiramin - PANAMPAL!! :)

dapat talaga turuan ng leksyon tong BP eh.

Guest kalinte
Posted

@matanglawin

pabayaan mo muna si pyke at mataas na BP nyan (as in blood pressure)

ano na nangyari sa problem mo? umiyak ba ang CS ng BP sa harap mo at nagmamakaawa habang pinag sisipa mo sya?

Guest kubikong
Posted

teka... effective pa kaya ang warranty kapag nagpalit ka ng rom? kung qtec or orange na? last week kc nasa brightpoint din ako para papalitan ung joystick & casing, kaso sobra pala dami ng tao dun! tpos kung kelan andon ako nung sinusukan ko ung sira nawala! nakakuha rin ako ng pics, kasi my lumalabas na "system resources too low, the camera module will be terminated" pro nung andon ako ok na! alam nyo ba bat ganon ung cam ko? :)

Guest matanglawin
Posted

@kalinte, all

before i give an update regarding this issue, i would like to clarify that it's my wife's phone that BP refused to fix because of their questionable "policy." my phone's fortunately still covered because it has a different serial # series.

now the update...

people from a certain smart wireless center in QC told me & my wife that they are indeed aware of the said HTC policy that BP is implementing.

what does this mean?

if your unit has an "expired" warranty based on its serial number, don't go to BP because they won't fix your SAP for free.

so what do we poor SAP (supposedly covered by a 1 year warranty)

users do?

leave your phone at the (smart) wireless center & let them send it over to BP. in about less than two weeks time, you'll get your fixed SAP back.

what else did i find out?

i had to ask the wireless center to have my wife's phone returned to BP because they didn't replace the call keys as indicated in the service request. the smart csr immediately obliged to have the SAP returned to BP. however i overheard the csr arguing with someone in another room and apparently that person does not want my wife's phone sent back to BP because SMART WAS THE ONE THAT PAID FOR ALL THE REPAIRS MADE ON THAT PHONE (for it has an "expired" warranty based on its serial number & not its purchase/activation date). THEY SHOULDERED IT BECAUSE THEY CAN'T DO ANYTHING ABOUT THE BP/HTC POLICY!

i must praise smart for this sacrifice that they made just to ensure that their customers really get the after sales service that each of us deserve.

pero hindi ba nila naiisip na lugi sila sa ginawang policy ng HTC/BP?

hinihintay ko lang mabalik ang SAP ni misis...tapos makakarating na sa mga kinauukulan ang kalokohang ito ng HTC/BP.

Posted from my SmartPhone!

Guest kalinte
Posted

ituloy ang laban pre. we should not take this lying down. the sap ahs a standard 1 year limited warranty from the date of activation and no policy can make smart void such warranty due to some crappy serial numbers.

give these smart cs a break. they just work there 8-5 and they dont get paid that much either to take all the complaints from 12 million subscribers anyway. so lamig ng ulo ang pairalin.

Guest pyke
Posted

nagloko ang sap ko kahapon.i lost all the audio.it won't give alerts, it won't play music, it won't alarm, i cant even hear the person i'm talking to. my warranty expires on the 31st.pag hindi Nila i-honor ang warranty, SOMEBODY WILL GO TO JAIL!!

Guest BrAGoL
Posted

@pyke

pare, wag naman ikaw ha...! mahirap dumalaw sa kulungan... :)

Post ko 'to!

Guest kalinte
Posted

whaaaaa magpapakulong ka pyke dahil sia sap mo? baka di ka na maka utot nyan whehihihihihi.

Guest pyke
Posted
@pyke

pare, wag naman ikaw ha...! mahirap dumalaw sa kulungan... :)

Post ko 'to!

galing lang ako dun kanina.hah! wala naman silang nabanggit tungkol sa issue na to. ...tarantado ba sila??!!

Guest katan
Posted

hah?! loko tlaga yang mga taga BP na yan! dapat talaga dyan sa mga yan ay maturuan ng malupit na leksyon!

Please sign in to comment

You will be able to leave a comment after signing in



Sign In Now
×
×
  • Create New...

Important Information

By using this site, you agree to our Terms of Use.